lahat ng mga pc dito sa office, pagod na pagod. naka-standby lang parati. mula sa kasama kong si virgil na katabi ko na naman.
siguro nga ganun din lang ako. sa wakas ay bumigay na rin ang katawan ko. kakagaling ko lang sa sakit at wala pa dapat akong balak umabsent kaso lang nawalan na talaga ako ng boses kaya ayun, sa kaunaunahang pagkakataon ay di ako pumasok at nag-call-in na lamang, labag man sa kalooban ko. di rin ako dapat papasok ngayon pero ewan ko at napabangon pa rin ako kahit naisip ko na ang dahilan sa hindi pagtrabaho. nag-iba na talaga ako. buti at nakakahanap pa rin ako ng dahilan sa pagbangon tuwing hapon kahit wala.
wala.
wala na naman akong nakikitang maganda sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. mahirap ang makalimot.
natuwa naman ako't nabasa ko ulit ang blog mo, peng. natawa ako sa hindi bastos mong boypren. hehe at ikinagagalak kong mag-u-up baguio ang kapatid mo. pero inggit ako. inggit dahil wala akong bagong nadidiskubreng kanta na makakabago sa araw ko.
sumaya lang ako nitong nakaraang linggo dahil nakakain ako ng masarap na breakfast sa pancake house. french toast at best tacos in town. sana maulit muli yun. hmmm makakain nga ng hapunan dun ngayon...
malamang pagod lang ako. sana masilayan ko ulit ang mga dahilan kung bakit ako masaya, kung bakit ako nag-iba. alam ko hindi kakulangan ito. nakalimot lang ako. nabubulag na naman. sana saglit lang.
naka-standby lang din siguro ako.
Wednesday, June 08, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
miss! magpagaling ka please! dadating din ang mga kanta mo (deyn pa lang nababasa ng DJ ang request).
Post a Comment