Saturday, May 14, 2005

Mula sa "Maraming dahilan pero ang dahilan ko ay ikaw."

By Marian Hernandez, PDI, May 4, 2005, Section F1


Hindi ko mabilang ang mga araw na binulungan ko ang Diyos para alagaan ka higit pa sa makakayanan kong gawin. Ikaw ang nagturo sa akin na hindi sapat ang pag-ibig lamang. Ngunit hindi rin masama na umapaw ito. Tulad ng pag-apaw nito sa ating mga labi, daliri, balat, titig, ugat, salita at ngiti.

Ikaw lang ang nakatagpo sa tunay na ako. At hindi ka umatras o ngangahas lumayo, lalo ka pang ngang lumapit para tignan pa ako nang malinaw, sinta. Mas malinaw sa inakala mo'y malinaw na pagkilala mo sa akin.

Ikaw ang nakakaalam ng bawat hibla ng aking pagkatao, dahil sa'yo, hindi ako natatakot. Hindi ko lang ramdam ang pagmamahal, alam ko pa ito. Alam na alam. Kilalang-kilala. Tulad ng pagkilala ko sa mga kakulangan mong hindi bumabawas sa'yo, bagkus lalo pang dumaragdag sa iyong kagandahan.

Sana'y hindi mo lang alam, ramdam mo pa ito. Sana'y kilala mo rin ako.

No comments: